^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mag-ingat sa mga gamot na may PPA

-
Mahirap magkasakit sa panahong ito. Bukod sa magastos ang pagpapaospital, sobrang mahal din ang mga gamot. Ang masaklap ay kung ang mabibiling gamot ay may mga ingredients na magiging sanhi pa ng mas malubhang kalagayan na maaaring magbunga ng kamatayan. Masakit isiping sa hirap ng buhay ngayon na inaagaw sa bibig ang pambili ng gamot ay kapahamakan naman ang kahahantungan.

Ayon sa report, ang mga gamot na galing sa United States at nabibili sa mga botika ngayon dito sa bansa ay may phenylpropanolamine (PPA). Ang PPA ay ingredient na nagiging dahilan ng hemorrhagic stroke o pagdurugo ng utak. Pinagbatayan nito ang limang taong pag-aaral ng Yale University. Sinabi naman sa isang report ng CNN.com na ang PPA ay may kaugnayan sa pagdurugo ng utak may 20 taon na ang nakararaan. Ang PPA ay nakahalo sa mga gamot para sa ubo, sipon, lagnat at allergy. Ang ilan sa mga kilalang gamot na ito ay mga over-the-counter drugs (OTC) na hindi na kailangan ang reseta ng doktor.

Umaksiyon na ang US Food and Drug Administration sa issue at nagbigay na ng direktiba sa mga drug companies na itigil ang marketing ng mga gamot na may PPA. Ang Department of Health (DOH) at Bureau of Food and Drugs (BFAD) ay magsasagawa naman ng mga series of scientific evaluations. Kung mapapatunayang totoo ang epekto ng PPA, ipagbabawal ang paggamit nito.

Ngayong gumawa na ng hakbang ang US sa mga gamot na pinaghihinalaang panganib sa kalusugan, kailangang magsagawa na rin ng mabilisang aksiyon ang DOH tungkol dito. Mas mainam kung oobligahin na ang bawat pasyente ay kumuha muna ng preskripsyon ng doktor bago bumili ng gamot.

Ang mga gamot na naiulat na may PPA ay ang mga sumusunod: A-P Histallin reformulated, Reformulated Myracof-AF, ACNEX MPSI, Myracof-T, Alledec Nafarin, Allerin expectorant, Nafarin A, Altussan Nagelin, Coldenal Pediatric Suspension, Nasataff, Coldflu Nasathera, Coldrex Reformulated, Neo Bromexan Forte, Congestril, Neozep, Corex DM, Ornex, Coritussal, Plemerid, Cynosal, Rhinopront, Decolgen, Robitussin-DM, Decolgen Forte, Sinurex, Decolsin, Tuseran Forte (formulated), Tuseran Syrup, Reformulated Sinutab, Sinutab Extra Strength, Disudin Reformulated, Tavegyl-D, Drinus, Triaminic, Dynatussin, Triaminic Expectorant, Guahistine Tridecon, Hisdec, Triplec, Lyetuss, Tuseran Forte, Mucotuss, UL-Anti-Cold and United Home Unitramine.

A-P HISTALLIN

ALLEDEC NAFARIN

ALTUSSAN NAGELIN

ANTI-COLD AND UNITED HOME UNITRAMINE

COLDENAL PEDIATRIC SUSPENSION

COLDFLU NASATHERA

GAMOT

TUSERAN FORTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with