Editoryal - 'Palakasan' sa promotion
November 25, 2000 | 12:00am
Diskuntento na sila at nababahala. Ito ang ibig iparating ng mga senior military officers kay President Estrada batay sa isang paid advertisement na lumabas sa isang pahayagan noong Martes. Ipinoprotesta ng mga senior officers (karamiha’y Colonels at Lieutenant Colonels) ang nangyayaring paboritismo o palakasan sa kanilang organisasyon. Hindi umano sila nagsalita sa mga naunang "pagtapak" sa kanila noon subalit ngayong nasa kritikal na kalagayan ang bansa, kailangang malaman na ito ni Estrada.
Ang pahayag ng mga senior officers ay naghatid sa pangamba ng coup d’etat kaya mahigpit ngayon ang seguridad sa Camp Aguinaldo at Camp Crame. Ito’y sa kabila na nagpahayag na ang military na walang mangyayaring coup sa administrasyon ni Estrada na ngayo’y grabeng niyayanig ng jueteng scandal.
Ipinoprotesta ng mga senior officers ang pagkaka-promote ni Col. Jake Malajacan bilang Brigadier General. Si Malajacan ay senior military aide ni Defense Secretary Orlando Mercado. Kapo-promote lamang umano ni Malajacan bilang full Colonel noong December 1998. Sa pagkaka-promote ni Malajacan, 150 senior officers ang kanyang nahakbangan. Si Malajacan ay isa sa mga miyembro ng Reform the Armed Forces Movement (RAM) na nagplano para magsagawa ng coup laban kay Marcos noong 1986. Nasangkot si Malajacan sa mga failed coup attempts sa administration ni dating President Cory Aquino.
Bago ang pagpo-promote kay Malajacan, ilang beses na ring may natapakang senior officers. Nang maupo si Estrada noong 1998, itinaas nito ng ranggo si Col. Rodulfo Diaz bilang Brigadier General. Kamakailan nama’y itinaas ni Estrada ng ranggo ang kapatid ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa Philippine Air Force na umano’y marami ring natapakan.
Hindi lamang ang mga senior officers sa AFP ang nababahala, maging ang mga senior officers sa Philippine National Police ay umaangal din sa paboritismo o palakasan dito. Lumutang na ang isang grupo sa PNP ang "Renewal for Moral and Ethical Development in the PNP".
Hindi dapat ipagwalang-bahala ni Estrada ang mga sentimiyento ng mga senior officers sa AFP at PNP. Maski may karapatan siyang pumili o magtaas ng ranggo ng mga opisyal dapat niyang isiping mabuti kung may "natatapakan at nasasaktan" siya sa ginagawang ito. Hindi niya dapat balewalain ang coup rumor. Kung may usok, siguradong may apoy. Sikapin niyang huwag lumaki ang apoy sa hanay ng mga unipormado. Problema itong malaki.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am