ORA MISMO - Nakawan sa koreo, malala !
November 23, 2000 | 12:00am
Siguro panahon na para magbitiw ang mga gagong opisyal sa koreo. Nagpapabaya ang mga ito kaya lumalala ang nakawan ng sulat, pera, alahas at iba pa.
Noong isang linggo, personal na nagsumbong sa akin ang isa kong kuwago dahil sa pagkawala ng kanyang mga alahas na nagkakahalaga ng P250,000.
Ang mga alahas ay binili ni Mary Joy Dankin dito sa bansa at ipinadala sa kanyang kapatid sa Japan. Magandang negosyo ito roon na may magandang tubo. Hulugan itong ibinebenta ng kapatid ni Dankin sa mga entertainers at ang hindi nabiling alahas ay ibinabalik dito.
Sa sumbong ni Dankin, noong umaga ng November 17 inihatid sa kanyang bahay ng kinatawan ng Express Mail Service (EMS) ng Philippine Postal Corporation (PPC) ang paketeng naglalaman ng mga alahas, damit at sulat ayon sa deklarasyon. Ito raw ay registered package. Hindi binulatlat ni Dankin ang pakete habang nasa harapan niya ang nasabing delivery boy ng PPC dahil maayos ito nang kanyang tanggapin.
Nang buksan niya ang package at basahin ang sulat ng kanyang kapatid, para itong binuhusan ng kumukulong tubig dahil wala ni isang katiting na ginto na naaninag sa kahon.
Samantala, sinekreto ng ilang gagong opisyal ng Central Mail Exchange Center (CEMEC) ang mga ninakaw na sulat dito noong Nobyembre 4 galing Japan. Tinaong malakas ang bagyo ng nabanggit na petsa kaya umatake ang sindikato, tinuklap daw ang bubungan. Nanakaw ang 500 pirasong sulat ng mga Japayuki. Maraming Yen ang nadale at iba pang importanteng bagay. Tama ba, Mr. Lovejoy?
Bukong walang seguridad ang sulat ng publiko sa koreo. Mahina ang sistema, halatang kulang sa karanasan ang mga kamoteng nakaupo rito.
Sigaw ng senders: Resign! For delicadeza! Isipin ang command responsibilities... mga kamote.
Totoong bawal magpadala ng pera sa sulat kasi labag ito sa postal regulation pero wala tayong magagawa. Umiiwas lamang ang senders sa dami ng kaltas kung ito ay ipadadala nila sa tamang daanan.
"Kaya nawawalan ng tiwala ang publiko sa koreo, kaunting barya nawawala pa," sabi ng kuwagong kotong cop.
"Hindi bago ang nakawan sa Postal!" anang kuwagong nagpapalit ng dolyar sa hagdanan sa PPC central office sa Lawton.
"Kahiya-hiya si PostGen. Rodriguez dito. Retiradong General ng Philippine Air Force, napalusutan?"
"Eh, ano ang dapat gawin para matapos ang nakawan dito?"
"Huwag papormahin si Okik Godfather."
"Sino ba ito?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Para itong si Hudas, taga-bitbit ng pilak sa mga kamoteng opisyal."
"Saan ito makikita?"
"Dyan sa opisina ni Gagong Math Kurap Yas."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended