^

PSN Opinyon

Lim tagumpay sa jueteng

-
Mukhang nagtagumpay si Interior Secretary Alfredo Lim sa pamamaraan niya para supilin ang jueteng na nagbigay kahihiyan kay President Estrada.

Ang balitang nakarating sa akin, ang mga gambling lords sa Metro Manila at karatig na lugar ay ‘‘kangaroo’’ na ang operation, kung hindi man tuluyan nang nagsara sila.

Noong kapanahunan pa ng mga ninuno natin ay wala man sa kanilang nagtagumpay na magpasara ng jueteng at kung ano pang ilegal na sugal kundi itong si Lim lang.

Ang ibig kong sabihin, nahigitan pa ni Lim ang ‘‘no take policy’’ ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Panfilo Lacson na nagbibigay kaparusahan sa sinumang opisyal ng pulisya na napatunayang tumatanggap sa mga gambling lords nga.

Kung ano man ang sistema o pamamaraan ni Lim ay siya lang ang nakaaalam nito. Kung sabagay, puwede kong sabihing bihasa na siya sa pakikipaglaban sa ilegal na sugal dahil nga sa track record niya noong siya ay hepe pa ng National Bureau of Investigation (NBI).

Pero dapat hindi nagsadya agad si Lim sa mga inisyal na report na natanggap niya. Kasi nga, maraming reklamo ang nakarating sa akin na dapat niyang imbestigahan bago siya tumalon sa tuwa bunga sa bango ng pangalan niya sa ngayon.

Ayon sa aking espiya, ang lahat ng mga gambling lords na sumuko sa opisina ni Lim ay ‘‘tulala’’ sa ngayon. Karamihan sa kanila ay nagbakasyon na sa kani-kanilang mga probinsiya at hindi binubuksan ang kanilang mga bibig kahit anong pilit pa ng mga doktor na tumingin sa kanila.

Pero isa lang ang tiniyak ng mga malapit na kamag-anak ng mga gambling lords. ‘‘Nagasgasan nang malaki’’ ang bulsa ng mga mahal nila sa buhay dahil sa nakita nilang mga butas sa bulsa ng mga lumang pantalon na nilabhan nila.

Sa ngayon, ang mga ‘‘right hand man’’ na lamang ng mga gambling lords ang namamahala ng kani-kanilang mga negosyo para lang kumita naman ang masa na tumatangkilik dito. Ang iba ay napilitang magsara dahil hindi nila kaya ang mga ‘‘palabas’’ ng mga tauhan ni Lim. Ayon sa aking espiya, walang pinipili itong kaibigan kong si Billy C. dahil pati ‘‘sakla patay’’ o peryahan sa Quezon City at Maynila ay pinapakialaman pa niya. Sana mapuno ang mga bulsa n’yo mga kaibigan. Pero kuwidaw kayo. Maaaring walang ginagawa itong si Lacson laban sa inyo dahil nga si Lim ang bida sa kasalukuyan. Ang alam ko lang, nililista ni Lacson ang kalupitan n’yo at pagdating ng panahon ay kakalusin din kayo.

AYON

BILLY C

DIRECTOR GENERAL PANFILO LACSON

INTERIOR SECRETARY ALFREDO LIM

LACSON

LIM

METRO MANILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with