Congressman nagbayad ng P100 para maka-park sa kalsada
November 14, 2000 | 12:00am
Alam nyo bang binayaran ng P100 ng congressman ang isang driver para makuha ang ginamit nitong parking sa kalsada?
Ayon sa ating bubuwit, 42 days na lang at Pasko na naman. Happy birthday muna kay Sen. Raul Roco, Mrs. Belen Velarde, ang roommate ni Bro. Mike Velarde ng El Shaddai; Nelson Cunanan, Glen Avencosa ng Metrobank Talayan branch from Tess Gutierrez; kay Charges dAffairs Michael Malinowski ng US Embassy; PBA Comm. Jun Bernardino, Ben Jemina ng Banco Filipino; Genalyn Figueroa ng DWIP-FM Santiago City; Bro. Col. Romy Gan, Lt. Col. Paul Chua, Danilo Cordovez, Beverly Panlilio, Dr. Walter Juarez at Helen Cenal.
Alam nyo bang binayaran ng congressman ng P100 ang isang driver para makapag-parking sa kalsada?
Ayon sa aking bubuwit, noong November 5, 2000, dakong alas-11:30 ng umaga sa Makati City ay binili ng congressman ang kanyang parking. Patungo si Congressman sa isang restaurant sa may Greenbelt, Makati upang kumain.
Siya ay nasa kahabaan ng Legaspi St., Legazpi Village, Makati City nang wala siyang mapag-parkingan. Meron namang parking na may bayad sa Greenbelt subalit ayaw niyang pumunta roon. Gusto niya ay pumarada sa kalsada upang hindi na siya aakyat sa parking lot ng Greenbelt. Siguro ay hirap siyang umakyat sa hagdan kaya ayaw nang mag-park doon.
Ayon sa aking bubuwit, wala kasing driver si Congressman kaya siya mismo ang nagmaneho. Sakay siya ng kanyang Toyota Corolla XE. Habang naghahanap ng mapagpa-parkingan, nakita niya ang isang driver na nakatambay sa tabi ng kotse ng amo nito. Ang ginawa ni Congressman ay tinawag ang driver.
Akin na lang yung parking mo, bayaran kita ng P100. Noong una ay ayaw ng driver, pero nakumbinsi rin ni Congressman.
Sabi pa ni Congressman: Humanap ka na lang ng iba, total nakatayo ka lang naman diyan eh.
Inalis ng driver ang kotse sa parking space at pumalit ang sasakyan ni Congressman. Nang bumaba na si Congressman para ibigay ang P100, nagulat ang driver. Hindi pala nito napansin na congressman ang kanyang kausap. Ayaw ng tanggapin ng driver ang P100 pero ipinagpilitan naman ito ni Congressman.
Ikaw talaga, Congressman, ganyan pala ang ginagawa mo kapag nahirapan kang humanap ng parking.
Ayon sa ating bubuwit, ang driver na binayaran ni congressman ng P100 para makuha ang pinag-parkingan ng kanyang sasakyan ay itago na lang natin sa pangalang Tikboy.
At ang congressman naman na nagbayad ng P100 ay walang iba kundi si Congressman
Ito ay sikat na congressman mula sa Oposisyon. Maputi na ang buhok nito pero mukhang bata pa rin. Magaling ito. Idol ko siya. Ito ay si Rep. J.A. as in Joker Arroyo ng Makati City.
Ayon sa ating bubuwit, 42 days na lang at Pasko na naman. Happy birthday muna kay Sen. Raul Roco, Mrs. Belen Velarde, ang roommate ni Bro. Mike Velarde ng El Shaddai; Nelson Cunanan, Glen Avencosa ng Metrobank Talayan branch from Tess Gutierrez; kay Charges dAffairs Michael Malinowski ng US Embassy; PBA Comm. Jun Bernardino, Ben Jemina ng Banco Filipino; Genalyn Figueroa ng DWIP-FM Santiago City; Bro. Col. Romy Gan, Lt. Col. Paul Chua, Danilo Cordovez, Beverly Panlilio, Dr. Walter Juarez at Helen Cenal.
Ayon sa aking bubuwit, noong November 5, 2000, dakong alas-11:30 ng umaga sa Makati City ay binili ng congressman ang kanyang parking. Patungo si Congressman sa isang restaurant sa may Greenbelt, Makati upang kumain.
Siya ay nasa kahabaan ng Legaspi St., Legazpi Village, Makati City nang wala siyang mapag-parkingan. Meron namang parking na may bayad sa Greenbelt subalit ayaw niyang pumunta roon. Gusto niya ay pumarada sa kalsada upang hindi na siya aakyat sa parking lot ng Greenbelt. Siguro ay hirap siyang umakyat sa hagdan kaya ayaw nang mag-park doon.
Akin na lang yung parking mo, bayaran kita ng P100. Noong una ay ayaw ng driver, pero nakumbinsi rin ni Congressman.
Sabi pa ni Congressman: Humanap ka na lang ng iba, total nakatayo ka lang naman diyan eh.
Inalis ng driver ang kotse sa parking space at pumalit ang sasakyan ni Congressman. Nang bumaba na si Congressman para ibigay ang P100, nagulat ang driver. Hindi pala nito napansin na congressman ang kanyang kausap. Ayaw ng tanggapin ng driver ang P100 pero ipinagpilitan naman ito ni Congressman.
Ikaw talaga, Congressman, ganyan pala ang ginagawa mo kapag nahirapan kang humanap ng parking.
Ayon sa ating bubuwit, ang driver na binayaran ni congressman ng P100 para makuha ang pinag-parkingan ng kanyang sasakyan ay itago na lang natin sa pangalang Tikboy.
At ang congressman naman na nagbayad ng P100 ay walang iba kundi si Congressman
Ito ay sikat na congressman mula sa Oposisyon. Maputi na ang buhok nito pero mukhang bata pa rin. Magaling ito. Idol ko siya. Ito ay si Rep. J.A. as in Joker Arroyo ng Makati City.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended