^

PSN Opinyon

Mayor Abalos, aksiyunan mo ang jueteng ni Teryo

-
HINDI agad dapat nagsaya si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos ukol sa matagumpay na kampanya kamakailan ng kanyang pulisya ukol sa malaganap na jueteng operation sa kanyang siyudad.

Sa tingin ko, dapat siyang mag-imbestiga nang malalim para nga matukoy niya kung siya ay pinaiikot lamang ng kanyang mga tauhan na, ayon sa aking espiya, ay mga interes nila at hindi ang kapakanan ng siyudad ni Abalos ang inaalagaan.

Lingid sa kaalaman ni Abalos, itong sunud-sunod na raid na isinagawa ng mga tauhan ni SPO1 Felipe ‘‘Jun’’ Lim Jr., ng anti-vice unit ng pulisya, ay hindi para masugpo ang jueteng sa Mandaluyong City kundi para protektahan ang mga pasugalan na may basbas nila, anang aking espiya.

Ang tinutukoy ng aking espiya ay ang jueteng joint na ang bangka ay isang nagngangalang Teryo, na taga-Barangka, Private Road, Barangay Hulo. Si Teryo ay supporter ni Abalos, ayon sa aking espiya.

Para sa kaalaman ni Abalos, ang bolahan ng winning combination ng jueteng ni Teryo ay sa bahay mismo umano ng konsehal ng barangay na alyas Tereso Nava. Kaya hindi sila matiyempuhan ng pulisya, dahil kung minsan sa paligid ng open canal sila nagbobola.

Ang masama pa nito may mga miyembro ng Public Order and Safety (POS) ng munisipyo, na bataan naman ni Abalos, na palaging nakikita na nakabantay sa pagbobola ng jueteng ni Teryo. Kaya naman nagkaroon ng kulay ito, anang aking espiya, ay dahil ang taga-POS ay naka-assign naman sa opisina ni SPO1 Lim.

Sinabi pa ng aking espiya na itong si Lim, na pumasok sa pulisya sa Caloocan City, ay hindi tumatanggap ng lagay mula sa ilegal sa siyudad. Pero ang masama lang ang taga-POS naman ang tumatanggap para sa kanya. Baka hindi niya alam ito?

Nagtataka lang ako kung bakit si Lim ay hindi matinag-tinag sa puwesto dahil noon pang panahon ng ama ni Abalos na si Benjamin Sr., ay hepe na siya ng anti-vice unit ng pulisya. Maraming hepe ng pulisya na ang umalis at dumating sa siyudad pero itong si Lim ay hindi natinag. May kontrata kaya siya sa puwesto niya?

Si Lim ay hindi tubong Mandaluyong. Sa pagkaalam ko, nakatira ang pamilya nito sa Sta. Ana, Manila. Pero kung bakit sobra ang dikit nito sa pamilya Abalos ay siya lang ang nakakaalam.

Kapag hindi umaksiyon si Abalos laban dito sa jueteng ni Teryo, maaaring gamitin ang isyu ng kalaban niya sa pulitika na si dating Vice Mayor Bibot Domingo sa darating na halalan. At papayag kaya siya na ang jueteng ni Teryo lang ang sisira sa maganda niyang pangalan?

ABALOS

BARANGAY HULO

BENJAMIN SR.

CALOOCAN CITY

JUETENG

KAYA

LIM JR.

MANDALUYONG CITY

TERYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with