^

PSN Opinyon

Bigyan ng kaukulang edukasyon ang mga estudyante sa liblib na lugar

-
ANG pagbalik ng National Elementary Achievement Test (NEAT) at National Secondary Achievement Test (NSAT) sa mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya ay makatutulong sa pagkakaroon ng mga dekalidad na magtatapos. Ang pagkakaroon ng pambansang pagsasanay ay makatutulong sa pag-angat ng karunungan ng mga estudyante. Ngunit sa kabilang banda, ito ay hindi angkop sa ilang mag-aaral sa mga liblib na lugar na hindi masyadong nabibigyan ng kaukulang edukasyon.

Noong aking kapanahunan, kumuha ako ng National College Entrance Examination (NCEE). Dibdiban ang pagsasanay na ginagawa ng mga estudyante noon para lamang makapag-aral sa kolehiyo. Ang ganitong apoy ng tiyaga at pagsisikap sa pag-aaral ay hindi na makikita sa mga mag-aaral. Ito siguro ang dahilan ng pagbaba ng antas ng ating edukasyon sa Asya.

Ngunit sa pagbabalik ng NEAT at NSAT, kailangang dagdagan ng Department of Education, Culture and Sports (DECS) ang kanilang atensyon sa mga pangangailangan ng mga guro at mag-aaral. Hanggang ngayon, kulang na kulang pa rin ang bilang ng mga aklat sa bilang ng mga estudyante; marami pa rin sa mga probinsiya ay wala pa ring sapat ng gusali; ang bilang ng mga silya sa estudyante ay kulang pa rin; at ang mga guro ay hindi pa rin nakapagbibigay ng wastong pagtuturo sa dami ng estudyanteng tinuturuan.

Kaakibat pa rin ng pagbibigay ng pagsasanay sa mga estudyante sa kanilang pagtatapos ang reporma sa pagbibigay ng magandang edukasyon sa ating mga mag-aaral.
* * *
Ilang mga mambabatas pa ang patuloy na sumusuporta sa isinampa naming kasong impeachment laban kay President Estrada. Nagtitiwala po akong marami pang mabubuting kongresista ang susuporta sa panawagang ito.

vuukle comment

AARAL

ASYA

CULTURE AND SPORTS

DEPARTMENT OF EDUCATION

NATIONAL COLLEGE ENTRANCE EXAMINATION

NATIONAL ELEMENTARY ACHIEVEMENT TEST

NATIONAL SECONDARY ACHIEVEMENT TEST

NGUNIT

PRESIDENT ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with