^

Metro

Walang ‘overkill’ sa deployment ng pulis sa SONA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Walang ‘overkill’ sa deployment ng pulis sa SONA
Quezon City Police District (QCPD) director Brig. Gen. Randy Glenn Silvio instructs QCPD personnel amid a protest against President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.’s fifth State of the Nation Address (SONA) along Commonwealth Avenue in Quezon City on July 27, 2026.
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na walang “overkill” sa deployment ng mahigit 21,000 pulis at iba pang law enforcers para tiyakin ang seguridad sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon.

Sa isinagawang inspeksyon sa Que­zon City Police District (QCPD) monito­ring center sa Camp Karingal, sinabi ni Nartatez na hindi naman umano sobra ang bilang ng mga idineploy na tauhan. Aniya, walang masama sa pagpapatupad ng maximum security kung ang layunin ay mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko. Dagdag pa niya, maaaring gamitin ng PNP ang kabuuang lakas nito na nasa 230,000 personnel sa buong bansa kung kinakailangan.

Nauna rito, binatikos ni Bagong Al­yansang Makabayan (Bayan) Secretary General Renato Reyes Jr. ang PNP dahil umano sa pagharang sa mga raliyista bago ang taunang talumpati ng Pangulo. Ang ipinatutupad ng pulisya ay hindi “maximum tolerance” kundi “maximum inconvenience” at “maximum oppression.”

Iginiit din ni Reyes na ang libu-libong pulis na nakaharang sa mga pangunahing kalsada ang nagdulot ng pinakamalaking abala sa publiko dahil sa aniya’y labis na paghihigpit sa seguridad.

Samantala, nananatiling nasa full alert status ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa SONA, ngunit nilinaw nitong wala silang namo-monitor na anumang banta sa seguridad.

SONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with