^

Metro

‘Biggest POGO hub’ pinadlock ng DILG, PAOCC

Cristina Timbang, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
�Biggest POGO hub� pinadlock ng DILG, PAOCC
Pinangunahan nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, at Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) Chairman Alejandro Tengco ang pagbisita at pag-inspeksyon ng technical working group (TWG) sa mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa Island Cove facility sa Kawit, Cavite ngayong Martes, Disyembre 17, 2024.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tuluyan nang kinandado ng mga awtoridad kahapon ang pinakamalaking POGO hub sa bansa na Island Cove kahapon ng umaga sa Kawit, Cavite.

Kahapon ay personal na ininspeksyon nina Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, PNP Chief Rommel Francisco Marbil, PAGCOR Chairman Alejandro Tengco at PAOCC Exec. Director Gilbert Cruz ang ilang mga kwarto sa loob ng  nasabing POGO Hub.

Nadatnan ng mga opisyal ng gobyerno sa loob ang mga blangkong kwarto kung saan mga gamit na lamang ang na­tira dahil hindi na umano sila nag-o-operate.

Ayon kay Remulla, personal niyang binisita ang lugar upang masiguro at maipakita sa publiko na sinunod nila ang kautusan ng Pangulo at masunod ang target na hanggang Disyembre 31 na lamang.

“As of last month wala nang kuryente ang mga buildings dito, pinatay na. So makikita niyo naman wala na signs of habitation dito at wala na signs of business,” ani Remulla.

Nasa 33 ektarya ang nasabing pasilidad.

Tinatayang lagpas 10,000 indibidwal ang mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng naturang POGO Hub.

Ang nasabing compound ay mayroong 57 gusali na mayroong  employee dormitories, ga­ming hubs, cafès, groceries, clinic, restaurants, spas at beauty salon.

Taong 2019 nang magsimulang mag-ope­rate ang POGO sa dating resort.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->