Importasyon ng live cattle, products mula Japan, ban sa Pinas
MANILA, Philippines — Pansamantalang ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng live cattle at buffalo at kanilang produkto mula Japan dahil sa outbreak ng Lumpy Skin Disease (LSD) na dumapo sa naturang hayop.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. na mahalagang maipatupad ang import ban upang protektahan ang local cattle at water buffalo populations sa bansa mula sa LSD virus.
Ang LSD ay isang viral disease na nakakaapekto sa naturang hayop na kapag lumala ay nagkakaroon ng kumplikasyon na ugat ng kanilang kamatayan.
Unang iniulat ng Japan’s Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries ang outbreak sa World Organization for Animal Health noong November 15, 2024 na tinamaan ng naturang virus ang hayupan sa Maebaru, Fukuoka.
Kasama rin sa ban ang unpasteurized milk at milk products, embryos, skin, at semen na gamit sa artificial insemination.
- Latest