^

Metro

P13.7 bilyong illegal drugs nasabat ng PDEG

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
P13.7 bilyong illegal drugs nasabat ng PDEG
Ayon kay PNP DEG Director PBrig. Gen. Eleazar P. Matta, sa kanilang record ay nasa 1,674 anti-drug operations na ang naisagawa na nagresulta sa pagkakaaresto ng may 1,903 indibiduwal na sangkot sa illegal drug activities.
STAR/File

Sa Marcos admin

MANILA, Philippines — Umaabot sa higit P13 bilyong halaga ng illegal drugs ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP DEG) sa loob ng dalawang taong panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr mula Hulyo 2022 hanggang Oktubre 2024.

Ayon kay PNP DEG Director PBrig. Gen. Eleazar P. Matta, sa kanilang record ay nasa 1,674 anti-drug operations na ang naisagawa na nagresulta sa pagkakaaresto ng may 1,903 indibiduwal na sangkot sa illegal drug activities.

Nakumpiska rito ang methamphetamine hydrochloride o shabu na nasa 1,717.61 kilograms na may halagang P11,679,791,248.

Bukod rito, nasa 2,152.20 kilograms ng pinatuyong dahon ng marijuana at mga tanim na may halagang P1,835,431,560; 48.70 kilograms ng ketamine na may halagang P243,360,000 ang nasabat.

Iba pang illegal drugs ay kinabibilangan ng 0.58 kilograms ng cocaine, P3,074,000.00; P1,343 piraso ng ecstasy, P2,283,100.00 at 1.96 kilograms ng kush marijuana, P2,937,750.00.

Sinabi ni Matta na ang P13,766,877,658.40 ay indikasyon na seryoso at sinsero ang mga awtoridad na sugpuin ang illegal drugs sa bansa.

Tiniyak ni Matta na patuloy nilang paiigtingin ang operasyon laban sa iligal na droga alinsunod sa kautusan ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with