^

Metro

Ex-pulis niratrat habang nagdya-jogging

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ex-pulis niratrat habang nagdya-jogging
Kinilala lang sa alyas “Eugenio” ang biktima na isang retiradong pulis, dahil sa mga tinamong tama ng bala mula sa ‘di pa batid na kalibre ng baril.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MANILA, Philippines —  Isang dating pulis ang inoobserbahan sa pagamutan matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nagdi-jogging sa Taytay, Rizal kamakalawa.

Kinilala lang sa alyas “Eugenio” ang biktima na isang retiradong pulis, dahil sa mga tinamong tama ng bala mula sa ‘di pa batid na kalibre ng baril.

Mabilis namang tumakas ang dalawang salarin na ang isa na nagsilbing driver  ng motorsiklo ay inilarawang nakasuot ng itim na helmet, itim na jacket na may puting sleeves, at itim na pantalon, habang ang isa ay nakasuot ng helmet, asul na long sleeves at printed na puti at gray na pantalon.

Sa ulat ng Taytay Municipal Police, alas-8:05 ng umaga habang nagdya-jogging ang biktima sa may Sitio Lumang Ilog sa Brgy. San Juan, Taytay nang bigla na lang siyang hintuan ng mga suspek na magkaangkas sa isang kulay itim na Honda Click motorcycle.

Kaagad umanong bumunot ng baril ang rider at pinaputukan ang biktima habang nagsilbi namang lookout ang kanyang ang­kas, bago sila tumakas.

vuukle comment

HONDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with