^

Metro

Babaeng Chinese nagtangkang magpakamatay sa NAIA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Babaeng Chinese nagtangkang magpakamatay sa NAIA
Nabatid na nagkaroon umano ng problema si Yafen Wun sa kani­yang dokumento kaya siya hinarang at naiwan ng kanyang flight dahil wala pa siyang exit clea­rance.
Philstar.com / Era Baylon

MANILA, Philippines — Isang babaeng Chinese national ang nagwala at tinangka pang magpakamatay nang ma-offload sa pagsakay sa Philippine Airlines Flight PR 525 patu­ngong Kuala Lumpur, Malaysia, sa NAIA Terminal 1, sa Pasay City,  nitong Bi­yernes.

Nabatid na nagkaroon umano ng problema si Yafen Wun sa kani­yang dokumento kaya siya hinarang at naiwan ng kanyang flight dahil wala pa siyang exit clea­rance.

Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-6:50 ng gabi ng Oktubre 4, sa West Departure Curbside Area  ng NAIA Terminal 1.

Nagtangka pang tumalon sa curbside ng departure area si Yafen na naagapan naman ng security guard na si Gian Carlo Andres, at kasunod na ito ng pagwawala at nagtatapon ng mga gamit, habang umiiyak at humiga sa parking space.

Napayapa rin siya at dinala sa police station.

Natukoy na ang pasahero ay nag-overstaying sa bansa kaya hinarang ng Immigration officers.

Kabilang si Wun sa mga manggagawa ng POGO na boluntaryong aalis ng bansa matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pagsasara ng ­operasyon ng POGO sa kanyang state of the nation address.

Nakaalis na kahapon ng umaga si Wu.

Sa pamamagitan ng isang interpreter ng Phi­lippine Airlines, napag-alaman na nagpahayag si Wun na gusto niyang umalis ng Pilipinas ngunit walang sapat na pera para pambayad sa pagproseso ng kanyang exit clearance.

Isang koordinasyon na ngayon ang ginagawa ng mga awtoridad sa paliparan sa Embahada ng Tsina.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with