^

Metro

Online prostitution natiklo ng PNP: 5 bebot na-rescue sa entrapment

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasagip ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) mula sa online prostitution ang limang babae sa isinagawang entrapment operation sa isang motel sa Quezon City.

Sinabi ni PNP-ACG Spokesperson Lt. Wallen Arancillo, ang mga babaeng nasagip sa operasyon sa isang hindi pinangalanang motel ay nasa edad 20 hanggang 29.

Ayon kay Arancillo, isang alyas “Princess” na siyang facilitator, ang nagpo-post sa FB Page at nag-aadvertise ng masahe sa halagang P3,000 at naka-post din ang itsura ng mga magagandang masahista.

Subalit sa pinaigting na cyber investigation ng ACG, lumalabas na front lang ni alyas Princess ang masahe at nag-ooffer­ din ito ng extra service sa halagang P8,000.

Sa pahayag ng mga biktima, sa P3,000 na masahe lang sa mga costumer ay binibigyan lang umano sila ni Princess ng P300 at ang P2,700 ay mapupunta rito habang sa P8,000 all in naman ay P3,000 lang ang ibinigay sa kanila at P5,000 kay Princess.

Inalalam na rin ng PNP-ACG kung mayroon ding pananagutan ang mga nasagip na kababaihan dahil mulat-sapul ay alam umano nila ang kalakaran ni alyas Princess subalit patuloy pa rin sila sa kanilang trabaho.

vuukle comment

PROSTITUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with