^

Metro

Konseho ng Maynila nagkagulo sa pagpasa ng 2025 budget

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nauwi sa away ang ginaganap na sesyon ng Konseho ng Maynila nang bigong maharang ng minoryang councilors ang pagpasa ng Manila 2025 budget.

Hindi umano katanggap-tanggap sa mga minor yang konsehal dahil ang kaguluhan ay sumunod sa pagpasa ng badyet.

Sa gitna ng palitan ng salita, itinulak ni Konsehal Joel Uy si Konsehal Fog Abante, batay sa video footage ng insidente na lumabas na rin sa social media.

Pinayuhan naman ni City City Administrator Bernardito Ang ang mga konsehal na “feel free to question the budget anywhere you please..”

Ikinalungkot ni Ang ang pagharang ng minorya sa badyet ng lungsod dahil nangangahulugang mahaharang din nito ang paghahatid ng serbisyo.

Kabilang sa mga pangunahing serbisyo ang social amelioration program na nagbibigay ng buwanang allowance para sa mga senior citizen, solo parents, persons and minors with disability at mga mag-aaral sa unibersidad; ang libreng serbisyong pangkalusugan na ibinibigay sa lahat ng residente at ang mga benepisyo ng pamahalaang lungsod, bukod sa iba pang gastusin na sakop ng 2025 budget.

Sinabi niya na kamakailan lamang, sinubukan din ng parehong grupo ng mga konsehal, bagama’t hindi matagumpay, na hadlangan ang pagpasa ng resolusyon na kailangan para mabigyan ng P10,000 na tulong pinansyal ang nasa 2,000 pamilya na nawalan ng tirahan sa dalawang sunog sa Tondo.

Ayon kay Ang, ang prosesong ginagawa ng Manila City Council sa pagpasa ng nasabing budget ay 100 porsyentong aboveboard at alinsunod sa guidelines na inilabas ng Malacañang at Department of Budget and Management (DBM) dahil sa katunayan, parehong proseso ang gagamitin. sa pagpasa ng 2025 budget ng Pilipinas sa House of Representatives

vuukle comment

MANILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with