^

Metro

Lalaki todas, 2 tanod sugatan sa pamamaril sa Quezon City

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Lalaki todas, 2 tanod sugatan sa pamamaril sa Quezon City
Dead-on-arrival sa Bernardino Hospital ang biktimang si Pelagio Gatan Cabaddu, checker at residente ng Brgy. Sauyo, Quezon City habang ginagamot sa ospital ang mga barangay tanod na sina Ambrocio Paladan Bradecina, 47, at Cornelio Ramos Nuval, Jr, 57, pawang residente ng Brgy. Sauyo, Quezon City.
STAR/File

Dahil sa pagsita sa maiingay

MANILA, Philippines — Isang 43-anyos na lalaki ang patay habang dalawang barangay tanod ang sugatan nang pagbabarilin ng kanilang mga sinaway na kalalakihan dahil sa pag-iingay kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa Bernardino Hospital ang biktimang si Pelagio Gatan Cabaddu, checker at residente ng Brgy. Sauyo, Quezon City habang ginagamot sa ospital ang mga barangay tanod na sina Ambrocio Paladan Bradecina, 47, at Cornelio Ramos Nuval, Jr, 57, pawang residente ng Brgy. Sauyo, Quezon City.

Pinaghahanap naman ang mga suspek na sina Ernie Carlin Tambaoan, 39, ng Blk 7 Lot 13 Baluyot, Brgy Sauyo, Quezon City at isang “Ricardo Lucas” na taga-Dagupan, Pangasinan na kapwa tumakas matapos ang pamamaril.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa Block 9, Lot 14, Baluyot 2A, Brgy. Sauyo, Quezon City.

Nauna rito, nakatanggap ng reklamo mula sa isang residente ang barangay hinggil sa pag-iingay umano ng mga suspek. Rumesponde naman ang mga tanod na sina Bradecina, Nuval at tatlong iba pa sa naturang lugar at pinagsabihan ang mga naroroon hinggil sa paglabag sa City Ordinance SP-2975 S-2020 (Bawal Maingay Sa Quezon City).

Habang pabalik na sa Barangay Satellite ng Brgy. Sauyo sina Bradecina, Nuval at mga kasama, sinundan sila ng galit na galit na si Tambaoan hanggang sa humantong sila sa mainitang pagtatalo.

Nakita naman ni Angel Cabaddu, pamangkin ng biktimang si Pelagio Cabaddu ang komosyon at tinangkang umawat. Gayunman, si Angel naman ang napagbalingang sakalin ni Tambaoan kaya tinulungan siya ng tuyihin na si Pelagio at sinuntok ang suspek (Tambaoan).

Dito na binaril sa likod ni Lucas si Pelagio saka mabilis na sumakay sa motorsiklo. Habang papalayo ang dalawang suspek, pinagbabaril pa ni Lucas ng mga tanod na sina Bradecina at Nuval.

Nakuha naman ng mga tauhan ng SOCO Team mula sa QCPD-FU sa pangunguna ni PLt. Darryl Ray Ebol ang dalawang basyo at isang deformed na bala sa crime scene.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa katawan si Pelagio at Nuval habang sa tagiliran si Bradecina.

Patuloy ang manhunt operation ng pulisya laban sa mga suspek.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with