^

Metro

Jail officer nambulabog sa party, kalaboso

Ludy ­Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Jail officer nambulabog sa party, kalaboso
Nakatakdang isalang sa inquest proceedings ang suspek na si alyas “Ruben”, 36, sa reklamong Grave Threat, Trespass to Dwelling, at paglabag sa Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sa  Parañaque City Prosecutor’s Office.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Arestado ang isang jail officer nang walang permisong pumasok sa isang compound na may nagaganap na party at naglabas ng baril kasabay ng pagbabanta sa mga bisita doon, sa Barangay Don Bosco, Parañaque City, ka­makalawa ng madaling araw.

Nakatakdang isalang sa inquest proceedings ang suspek na si alyas “Ruben”, 36, sa reklamong Grave Threat, Trespass to Dwelling, at paglabag sa Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sa  Parañaque City Prosecutor’s Office.

Sa ulat, dinakip ang suspek sa mabilis na pagresponde ng Pa­rañaque City Police Station Substation 6 Don Bosco nang itawag ang insidente alas-2:40 ng madaling araw, sa re­sidential compound in Brgy. Don Bosco.

Sa reklamong inihain ng may-ari ng bahay na si alyas “Marcial”, 38, habang nagkakasiyahan sila ng mga kaibigan sa loob ng kanilang compound ay bigla na lang sumulpot ang suspek na may hawak ng baril at pinagbantaan silang lahat.

Sa tulong ng mga bisita ay nagawa nilang madis-armahan ang suspek ng hawak na Norinco caliber.45 na may limang bala at itinawag sa kalapit na himpilan ng pulisya.

Bukod kay Marcial, naghain din ng reklamo ang mga bisita na kinilala sa alyas na “Marvin”, 40,; alyas “Rustum”, 34; alyas “Allan”, 29; at alyas “Stephen”, 40.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with