^

Metro

Deadline sa paggamit ng temporary, improvised plates inurong sa Disyembre 31

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Deadline sa paggamit ng temporary, improvised plates inurong sa Disyembre 31

An image shared on Facebook by Top Gear Philippines and Kevin Rodriguez in 2016 shows an improvised plate with a conduction number ‘indicating’ when the car’s license plate will be released.

MANILA, Philippines — Hanggang sa Disyembre 31 na lamang maaaring gamitin ang mga improvised at temporary plates.

Ito ang sinabi ni Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II hinggil sa mas pinalawig pa na deadline sa pagbabawal sa paggamit ng improvised at temporary plates ngayong taon.

Ayon kay Mendoza ang pagpalalawig ng deadline ay sa gitna ng mga kahilingan at alalahanin sa pagkakaroon ng mga lisensyadong plaka.

Aniya, ang pagbabawal ay nakasaad sa isang memorandum circular na inilabas ng LTO para sa mga may-ari ng sasakyang de-motor na maglagay ng kanilang mga plaka at ang money-making modus kaugnay ng paggamit ng improvised at temporary plates.

Subalit nilinaw ni Mendoza na hindi dapat maging dahilan ang pagpapalawig ng deadline para sa mga may-ari ng sasakyang de-motor na mayroon nang available na mga plaka para mailagay ito sa kanilang mga sasakyan.

Binigyang-diin din ni Mendoza na kumpleto na ang mga plaka sa mga four-wheel vehicles at natitira na lamang ay ang backlog para sa mga plaka ng motorsiklo na matutugunan naman na sa Hunyo sa susunod na taon.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with