^

Metro

Nasawi sa leptos sa Quezon City, umakyat na sa 13

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Nasawi sa leptos sa Quezon City, umakyat na sa 13
Lumilitaw na anim ang nasawi  mula sa District 5, tatlo dito ay mula sa Brgy. Nagkaisang Nayon, tig-isa sa Brgy. Bagbag, Fairview at San Agustin.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 13 ang bilang ng nasawi sa leptospirosis sa Quezon City.

Lumilitaw na anim ang nasawi  mula sa District 5, tatlo dito ay mula sa Brgy. Nagkaisang Nayon, tig-isa sa Brgy. Bagbag, Fairview at San Agustin.

Tatlo sa District 2, dalawa sa Brgy. Commonwealth at isa sa Brgy. Payatas B, habang dalawa sa District 4 mula sa Barangay La­ging Handa at San Vicente at isa sa Brgy. E. Rodriguez sa District 3 at Brgy. Tandang Sora sa District 6.

Batay sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, mula Enero 1 hanggang Agosto 1, 2024, nakapagtala na ng 105 kaso ng leprospirosis sa lungsod.

Ngayong panahon ng tag-ulan, nagpaalala ang QC local government unit (LGU) na mag- ingat at magsuot ng proteksyon sa paa, sa paglusong sa tubig baha.

Nakukuha ang leptospirosis sa ihi ng hayop tulad ng daga.

Pinapayuhan ang lahat na pumunta kaagad sa health center o pagamutan kung may maramdamang sintomas ng leptospirosis.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with