^

Metro

Bodega ng tumbler nasunog, 4 nasaktan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bodega ng tumbler nasunog, 4 nasaktan
Tulung-tulong ang mga bumbero sa pag-apula sa sunog na sumiklab sa isang bodega ng mga tumbler sa Calero Street, Quiapo, Manila na umabot sa ikatlong alarma at ikinasugat ng apat katao, kahapon.
Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines — Apat na indibidwal ang pawang nasaktan sa isang sunog na sumiklab sa isang bodega ng mga tumbler sa Quiapo, Manila kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina FO2 Claro Dulnuan, 34, ng Sta. Mesa Fire Station, na nahirapang huminga at nahilo; FO3 Daryl Aquilando, 35, ng San Nicolas Fire Station, na nagtamo ng hiwa sa daliri; Kenneth Manonog, 23, na nahirapang huminga matapos na makalanghap ng makapal na usok; at Cliff Osmeña, 17, na nasugatan din sa daliri.

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), dakong ala-1:35 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa bodega ng mga tumblers, sa Calero St., kanto ng Claro M. Recto Avenue sa Quiapo.

Umabot ng ikatlong alarma ang sunog bago naideklarang under control dakong alas-5:30 ng madaling araw.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa P15 milyon ang halaga ng mga ari-ariang napinsala ng sunog, na inaalam pa ang pinagmulan.

vuukle comment

QUIAPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with