^

Metro

Clamping, towing sa Maynila sinuspinde

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Clamping, towing sa Maynila sinuspinde
Ayon kay Diokno, ang suspensiyon ay bunsod ng sandamakmak na reklamo kung saan apektado na ang totoong pagseserbisyo.
Boy Santos/File

MANILA, Philippines — Pansamantalang sinuspinde ni Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) chief Narciso Diokno ang lahat ng to­wing at clamping operations sa lungsod.

Ayon kay Diokno, ang suspensiyon ay bunsod ng sandamakmak na reklamo kung saan apektado na ang totoong pagseserbisyo.

Binigyan diin ni ­Diokno na kailangan na tama ang sistema ng clamping at towing at hindi makakaabala sa  sinumang indibiduwal.

Kung maaalala, sunud-sunod ang naging operasyon ng grupo na kung saan maraming mga sasakyan ang kanilang nasampulan.

Nilinaw rin ng bagong upo na opisyal na epektibo kaagad ang kautusan at dapat itong sundin.

Nagbabala rin si ­Diokno sa publiko na ang sinumang hindi tatalima sa direktiba ay mabibig­yan ng kaukulang parusa.

vuukle comment

MTPB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with