^

Metro

4 pugante sa Japan timbog ng NCRPO, BI

Ludy Bermudo, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
4 pugante sa Japan timbog ng NCRPO, BI
Ayon kay Rendel Ryan Sy, ng BI-FSU, ang mga Japanese na sina Ueda Koji, 27, Kiyohara Jun, 29, at Suzuki Seiji, 29, ay naaresto sa isang subdibisyon sa Parañaque City habang kababayang si Sawada Masaya, 39, ay naaresto naman sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Bureau of Immigration, Republic of the Philippines

MANILA, Philippines — Apat na dayuhang Hapones na pawang itinuturing na pugante sa Japan dahil sa iba’t ibang krimen, ang naaresto ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office at Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit (FSU).

Ayon kay Rendel Ryan Sy, ng BI-FSU, ang mga Japanese na sina Ueda Koji, 27, Kiyohara Jun, 29, at Suzuki Seiji, 29, ay naaresto sa isang subdibisyon sa Parañaque City habang kababayang si Sawada Masaya, 39, ay naaresto naman sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Nabatid na sina Ueda, Kiyohara at Suzuki ay ina­resto sa pamamagitan ng isang mission order na inisyu ni BI Commissioner Norman Tansingco, matapos na makatanggap ng impormasyon mula sa Japanese government hinggil sa mga krimeng kinasasangkutan ng mga ito.

Sinabi naman ni NCRPO chief Police Major General Jose Melencio Nartatez, ikinasa ang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa Immigration authorities laban sa nasabing apat na wanted na nagtatago sa bansa.

Base sa rekord, ang apat ay mayroong warrants of arrest simula pa noong Mayo 2024 na ini­syu ng Omiya Summary Court dahil sa fraud na paglabag sa Japanese Penal Code.

Anang BI, ang apat na dayuhan ay sinasabing pawang founding members ng isang tele­com fraud syndicate na nakabase sa Cambodia na may kinakaharap na mga kasong Unlawful Capture, Confinement, Extortion, at Fraud.

Pawang nahaharap na ang apat na dayuhan sa deportation dahil sa pagiging undesirable aliens.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with