^

Metro

Driver ng pulang sasakyan sangkot sa banggaan, tinutunton ng MMDA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Driver ng pulang sasakyan sangkot sa banggaan, tinutunton ng MMDA
Nagpalala pa sa kinasangkutang reklamo laban sa di pa kilalang driver suspek nang makaladkad din sa insidente ang traffic enforcer ng MMDA na nag-aassist lamang sa insidente.
MMDA

MANILA, Philippines — Pinatutugis ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes ang isang driver na nagmaneho ng kulay pulang sasakyan na humarurot para takasan ang kinasangkutang banggaan, sa Taguig City, nitong Martes.

Nagpalala pa sa kinasangkutang reklamo laban sa di pa kilalang driver suspek nang makaladkad din sa insidente ang traffic enforcer ng MMDA na nag-aassist lamang sa insidente.

Ipinatawag na rin ni Asst. General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas ang enforcer na sangkot para alamin ang tunay na nangyari at makapaghanda ang legal team ng ahensiya ng kaukulang reklamo.

Nakakuha na ng impormasyon ang MMDA mula sa nakaladkad sa traffic enforcer na nagsabing nakuha niya ang plate number ng tumakas na sasakyan habang ipinahahanap din ang driver na nakabanggaan ng tumakas na suspek upang makuhanan din ng pahayag sa pangyayari.

Posibleng maharap sa patung-patong na rek­lamo ang driver na tumakas at irerekomenda sa Land Transportation Office (LTO) ang kanselas­yon ng kanyang driver’s license.

vuukle comment

ETROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with