^

Metro

Ayala Alabang residents nag-motorcade vs POGO

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Ayala Alabang residents nag-motorcade vs POGO
Nagsagawa ng motorcade ang ilan sa mga residente ng Ayala Alabang Village (AAV) sa Muntinlupa City bilang protesta sa pagkakaroon ng POGOs (Philippine offshore gaming operators) sa subdibisyon na umano’y nagdudulot ng pangamba at takot sa kanila.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng motorcade ang mga residente ng  Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City upang iprotesta ang mga  ‘undesirable tenants’ partikular ang umano’y POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) na sumira ng peace and order  sa kanilang subdibisyon.

Nakadikit sa may 100 sasakyan  na lumahok sa motorcade  ang  “NO to POGO, Bodyguards, Gambling”.

Nilibot ng  mga sasakyan ang  loob ng  AAV upang ipakita ang kanilang pagtutol sa posibleng paglalagay ng POGO sa lugar na magdulot ng  gulo at karahasan.

Ayon sa mga residente, nag-aalala sila at natatakot sa patuloy na pangungupahan ng Chinese nationals sa kanilang subdibisyon na pawang hindi sumusunod sa mga reglamento na ipatutupad ng Ayala Alabang Village Homeowners Association.

Bilang isang  exclusive subdivision, sinabi ng mga residente na hindi nila hahayaan na mabahiran ng  masamang ­imahe ang kanilang  lugar.

Matatandaang nagkaroon ng  komosyon nang  muntik nang magbarilan ang mga bodyguards ng mga  Chinese nationals na tenants sa lugar.

Handa rin ang mga residente na makipagtulungan sa mga awtoridad mapanatili lamang ang kaayusan sa subdibisyon.

May ilang beses na silang lumiham sa ilang concerned authorities para alamin ang sitwas­yon ng kanilang lugar subalit walang nangyayari kaya nagpasiya na silang kumilos sa pamamagitan ng motorcade.

Ibinulgar din nila na ang pagkakaroon ng mga Chinese tenants ay dahil sa ‘pera-pera’ o ang mga landlords na may-ari ng units ay ipinaparenta ng P100,000.00 hanggang 400,000.00 ang bawat unit na may 3-4 na bedroom.

Ilan din sa mga bahay ang pinauupahan kung saan pinagkakasya umano ang  nasa 30 Chinese nationals habang nasa lima lamang  ang kapasidad.

Pinauupahan umano ang mga  bahay  ng mga may-ari dahil na rin sa   advance payment para sa loob ng  2 taon.

Dapat na inspeks­yunin anila, ang mga unit na pinauupahan dahil violation sa rental agreement at nako-kompromiso ang peace and order, kung saan apektado ang mga ‘long-time residents’.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with