^

Metro

Sekyu todas sa tandem

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang security guard ang patay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa ng madaling araw sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot si Rolan Lacson, 43 ng La Forteza Subdivision, Camarin bunsod ng tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.

Sa imbestigasyon ng  Caloocan City Police, nangyari ang insidente dakong alas-2:35 ng madaling araw.

Ayon sa saksing si “Michael”, 47, nakarinig siya ng putok ng baril at nakita niya ang mga suspek na papatakas sakay ng isang Yamaha Mio motorcycle patu­ngong Tala, sa nasabing lungsod.

Nakakuha naman   ang SOCO ng dalawang fired bullet at basyo ng bala mula sa .9mm na baril.

Nangangalap pa rin ng ebidensiya ang pulisya tulad ng  CCTV footage upang matukoy  ang motibo sa pamamaslang at pagkakakilanlan ng suspek.

vuukle comment

ROLAN LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with