^

Metro

Exodus: 500K umalis sa Metro Manila sa nakalipas na 5 taon — PSA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Exodus: 500K umalis sa Metro Manila sa nakalipas na 5 taon � PSA
Residents go about their daily routines in the urban community in Binondo, Manila on April 23, 2024.
STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Mas maraming umaalis ng Metro Manila sa nakalipas na limang taon kaysa sa pumapasok ng National Capital Region batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay Adrian Cerezo, Assistant National Statistician ng PSA Social Sector, umalis ng Metro Manila ang 500,000 residente noong nakalipas na limang taon, mas mataas ito sa 381,000 katao na pumasok sa Kalakhang Maynila sa kaparehong panahon.

Ayon sa PSA, ang tirahan ang pangunahing dahilan ng paglisan ng maraming residente sa Metro Manila. Ka­ramihan aniya rito ay nakabili ng bahay sa probinsiya partikular sa Calabarzon habang ang ikalawang dahilan ay ang uri ng antas ng pamumuhay sa NCR.

Sinabi ni Cerezo na posibleng marami pa ring manggagawa sa Metro Manila pero ang kanilang tahanan ay sa labas na ng NCR.

“Anecdotally, ma­rami tayong mga taong ganun. The commute is bearable enough na dun sila bibili ng bahay at lupa tapos mag co-commute pabalik sa NCR. Marami ‘yung cases na dun nakakabili tapos ‘yung setup work from home and hybrid and there are also those who commute daily,” ayon kay Cerezo.

Ayon sa PSA, ang Metro Manila ay kabibilangan ng 16 highly urbanized cities na may  population density na 21,765  katao sa bawat square kilometer. Ito umano ay halos 60 beses ng population density ng 363 persons per square kilometer na nakatala sa national level.

vuukle comment

PSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with