^

Metro

P2.4 bilyon bagong NKTI hospital itatayo sa Quezon City

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P2.4 bilyon bagong NKTI hospital itatayo sa Quezon City
Ito ang tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kung saan pinangunahan nito ang groundbreaking ceremony ng pinakamalaking hemodialysis center ng bansa.
Businessworld / File

MANILA, Philippines — Isang moderno at world class na National Kidney and Transplant Institute (NKTI) na tinatayang nagkakahalaga ng P2.4 bilyon ang nakatakdang itayo ng administrasyon sa Quezon City na naglalayong mapagaling ang buhay ng libu-libong Pilipino may sakit sa kidney o bato.

Ito ang tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kung saan pinangunahan nito ang groundbreaking ceremony ng pinakamalaking hemodialysis center ng bansa.

Sinabi ni Romualdez na ang pagtatayo ng makabagong NKTI  ay sa pakikipagtulungan ng Department of Public Works and Highways Sec. Manuel Bonoan, mga opisyal ng NKTI sa pamumuno naman ni Executive Director Dr. Rose Marie Rosete-Liquete, House Appropriations Committee Chairman at AKO Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co at QC Vice Mayor Gian Carlo Sotto na kumatawan Mayor Joy Belmonte.

“Malaki ang magiging epekto ng proyektong ito sa buhay ng ordinaryong Pilipino. Hindi na nila kailangang bumiyahe ng malayo o kaya’y maghanap ng malaking halaga para lang makapagpagamot. Dito, sila’y magkakaroon ng access sa modernong pasilidad at de-kalidad na serbisyo para maibsan ang kanilang karamdaman,” ani Romualdez.

Magugunita na ang NKTI isa sa mga specialty hospital na itinayo noong unang Marcos administration sa inisyatiba ni First Lady Imelda Romualdez Marcos, kasama ang Heart Center, Children’s Medical Center at Lung Center.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with