^

Metro

Suspek na driver sa hit-and-run sa paslit na nasawi, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Suspek na driver sa hit-and-run sa paslit na nasawi, timbog
Nakita naman sa video na kuha ng CCTV ang insi­dente, na matapos mabangga ang biktima, tatakas ang nakabanggang van subalit hinarang siya at pinigilan ng mga nakasaksing residente at motorista.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado na ang driver ng isang itim na van na naka­bangga sa isang 3-taong gulang na nasawi sa Tondo, Maynila noong Hunyo 19, ayon sa Manila Police District (MPD). Ang inarestong si Leonard Baldesimo Garvin, na nagmaneho ng itim na van na may plakang PLI 520 ang suspek sa insidente ng hit and run alas-10:50 ng umaga nitong nakalipas na Miyerkules, sa panulukan ng Solis at Bugallon Sts., sa Tondo.

Isinugod pa sa Ospital ng Tondo ang batang lalaki subalit idineklarang patay alas-11:37 ng umaga ng araw din iyon. Sinabi ng ama ng bata na nasa bahay ng kaniyang lola ang biktima nang maganap ang insidente.

Nakita naman sa video na kuha ng CCTV ang insi­dente, na matapos mabangga ang biktima, tatakas ang nakabanggang van subalit hinarang siya at pinigilan ng mga nakasaksing residente at motorista. Nakapiit na ang driver habang inihahanda ang reklamong reckless imprudence resulting in homicide.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with