^

Metro

Police asset itinumba, 2 gunman nasakote

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang police asset nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng magkahiwalay na motorsiklo, habang kumakain sa karinderya sa Parañaque City, Huwebes ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Rey Ballon Florentino alyas “Gobring”, 39-anyos, residente ng Barangay Don Bosco, Parañaque City.

Arestado naman sa hot pursuit operation ang mga suspek na sina Aaron Umpad, 41-anyos, miyembro ng kilabot na “Sigue-Sigue Sputnik Gang”,  at Brix Acebuche, 23 .

Sa ulat na isinumite kay National Capital Region Police Office chief, P/Major General Jose Melencio Nartataez Jr., ni Parañaque City Police Station commander P/Colonel Melvin Montante,  madaling araw ng Hunyo 20, habang kumakain ang biktima sa isang karinderya kasama ang mga kaibigan sa may gilid ng kalsada ng Brgy. Don Bosco nang huminto sa tapat nila ang isang motorsiklo. Bumaba ang sakay na lalaki na nakasuot ng helmet na siya namang pagkaripas ng takbo ng biktima kaya’t hinabol siya at pinaputukan ng ilang ulit.

Bumagsak sa gitna ng kalye ang biktima habang ang gunman ay sumakay na sa motorsiklo at biglang lumutang pa ang isang motorcycle rider na lumapit sa nakahandusay na biktima at limang ulit pang pinagbabaril.

Sa tulong ng mga saksi at nakalap na CCTV footage, agad nagsagawa ng backtracking ang Pa­rañaque Police at natukoy ang mga suspek.

Sa loob ng 3-oras, nadakip ang mga suspek sa Sitio Fatima Block 1, Kawayanan, Brgy. Don Bosco, Pa­rañaque City at nasamsam ang iba’t ibang armas, kagamitan, at isang motorsiklo.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with