^

Metro

Higit P1 taas-presyo sa petrolyo, ipatutupad ngayon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Higit P1 taas-presyo sa petrolyo, ipatutupad ngayon
Ang mga malala­king kumpanya ng langis na Petron Corporation, Pilipinas Shell at Chevron Philippines, kasama ang maliliit na kum­panya ng langis na Seaoil Phi­lippines at Flying V ay nag-anunsyo nitong Lunes ng pagtaas ng kanilang mga produktong diesel ng P1. 75 kada litro, gasolina ng P0.85 kada litro at P1.90 kada litro sa kerosene na magkakabisa sa ganap na 6:01 ng umaga.
The STAR/Walter Bollozos, File

MANILA, Philippines — Magpapatupad ang malalaking kumpanya ng langis ng malaking pagtaas ng presyo sa kanilang mga produktong petrolyo na ipatutupad ngayong Martes, Hunyo 18, 2024.

Ang mga malala­king kumpanya ng langis na Petron Corporation, Pilipinas Shell at Chevron Philippines, kasama ang maliliit na kum­panya ng langis na Seaoil Phi­lippines at Flying V ay nag-anunsyo nitong Lunes ng pagtaas ng kanilang mga produktong diesel ng P1. 75 kada litro, gasolina ng P0.85 kada litro at P1.90 kada litro sa kerosene na magkakabisa sa ganap na 6:01 ng umaga.

Dalawa pang malalaking kumpanya ng la­ngis na Total Philippines at PTT Philippines, na hindi nagdadala ng kerosene, ay magtataas ng kanilang mga produktong gasolina at diesel sa parehong mga pagtaas sa alas-6:01 ng umaga, sa Martes.

Ang iba pang independent oil players tulad ng Jetti Petroleum, Phoenix Petroleum, Unioil Philippines, Petro Gazz at Eastern Petroleum na hindi nagbebenta ng kerosene ay magtataas din ng presyo kanilang gasolina ng P0.85 kada litro at diesel ng P1.75 kada litro epektibo ng alas 6:00 ng umaga habang ang Clean Fuel bandang alas-4:01 pa ng hapon ngayong Martes.

Sinabi ni PTT Philippines Media Relation Officer Jay Julian na ang pagbawas ng oil export ng Saudi sa China, ang pagbaba ng mga imbentaryo ng krudo ng US, at ang pagtaas ng demand para sa la­ngis sa pandaigdigang merkado ay kabilang sa ilang mga dahilan para sa mabigat na pagtaas ng presyo ng langis.

vuukle comment

FUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with