^

Metro

Sunog sumiklab sa Maynila: 3 fire volunteer sugatan, 20 bahay tupok

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Sunog sumiklab sa Maynila: 3 fire volunteer sugatan, 20 bahay tupok
Hindi kaagad nakuha ang pagkakakilanlan ng mga fire volunteers, na nagtamo lamang naman ng minor injuries.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tatlong fire volunteer ang sugatan habang tinatayang aabot sa 60 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos na tupukin ng apoy ang nasa 20 bahay sa Tondo, Manila kamakalawa.

Hindi kaagad nakuha ang pagkakakilanlan ng mga fire volunteers, na nagtamo lamang naman ng minor injuries.

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), Linggo ng gabi nang maganap ang sunog sa Barangay 58, sa Tondo.

Katatapos lamang umano ng paliga at nagsasarado na ng gate ng basketball court ang mga Sangguniang Barangay officials sa lugar nang mamataan nilang nasusunog ang ikatlong palapag ng isang tahanan sa naturang lugar. Kaagad umano silang kumuha ng fire extinguisher ngunit hindi na kinayang apulain agad ang apoy.

Mabilis na kumalat sa mga katabing kabahayan ang apoy na karamihan ay gawa sa light materials.

Ayon kay Fire ­Inspector Ronald Lim, Station 1 commander ng Manila BFP, naiakyat sa ikalawang alarma ang sunog bago tulu­yang naapula mag-a-alas-2:00 ng madaling araw ng Lunes.

Kahit umuulan ay nahirapan pa rin umano ang mga pamatay-sunog na apulain ang apoy dahil sa maliliit na kalsada sa lugar at dami ng tao sa loob.

Masuwerte namang walang nasawi sa sunog.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa P1.6 milyon ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with