^

Metro

5 Chinese, Pinoy driver timbog sa pamamaril sa 2 Tsino

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
5 Chinese, Pinoy driver timbog sa pamamaril sa 2 Tsino
Ang mga nadakip na Chinese ay kinilala lang sa alyas na Peng, 43-anyos, naninirahan sa kalapit na gusali; alyas Cheng, naninirahan sa isa pang tore sa loob ng parehong complex; alyas Deng, nakatira sa parehong gusali; alyas Tu, 42, nakatira sa parehong tore ni Cheng, at alyas Liu, 34, residente rin sa ang parehong tore.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado ang limang Chinese national at isang Pinoy na nagsisilbi umanong bodyguard kaugnay sa pamamaril sa dalawang Chinese national na nabigo umanong magbayad ng utang, sa isang condominium sa Parañaque City, noong Sabado.

Ang mga nadakip na Chinese ay kinilala lang sa alyas na Peng, 43-anyos, naninirahan sa kalapit na gusali; alyas Cheng, naninirahan sa isa pang tore sa loob ng parehong complex; alyas Deng, nakatira sa parehong gusali; alyas Tu, 42, nakatira sa parehong tore ni Cheng, at alyas Liu, 34, residente rin sa ang parehong tore.

Kasama rin sa inaresto ang isang Pinoy na si alyas Ken, driver/bodyguard at taga-Barangay San Isidro, Parañaque City.

Pinaghahanap pa ang iba pang suspek na sina alyas Yu, isang 32-anyos na Chinese national; alyas Marlon, Filipino; alyas Bo, Chinese national; at alyas Tony, Filipino, driver.

Ayon kay Southern Police District (SPD) P/Brig. General Victor Rosete, ang mga biktimang magkapatid na Chinese nationals na kapwa tinawag na alyas Li, ­kapwa residente ng isang condominium tower sa Roxas Boulevard, Pa­rañaque City, ay ginagamot pa sa ‘di tinukoy na ospital dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ibabang bahagi ng katawan.

Naganap ang insidente alas-12:10 ng madaling araw ng ­Hunyo 15, 2024 sa loob ng nasabing condominium, na matatagpuan sa R. Blvd., Barangay Tambo, Parañaque.

Ipinaalam ng mga residente ng gusali, mga tauhan ng housekeeping ng condo, security guard at isang vendor ang insidente na agad na nirespondehan ng mga operatiba ng ­Parañaque Police-Tambo Sub-station, kasama ang mga barangay tanod at nadatnang duguan ang dalawang biktima kaya isinugod sa pagamutan.

Narekober ang Pa­rañaque Forensic Unit ang 5-fired cartridge cases at isang deformed slug sa pinangyarihan ng krimen at nakalap din ang CCTV footage na nagpapakita na pinasok ang condominium ng mga suspek.

Sina alyas Peng at Deng ay nadakip sa kalapit na gusali sa bahagi ng Pasay City, habang naaresto si alyas Cheng sa Clark, Pampanga.

Sa mga pag-aresto, narekober ang mga baril at bala, kabilang ang isang .22 Magnum Revolver at isang 9mm pistol na may mga live ammunition.

Bukod pa rito, ang CCTV footage ay may mahalagang papel sa pagtukoy sa isa sa mga tumakas na suspek, na si Ken, na kalaunan ay inaresto sa kanyang tirahan at narekober dito ang isang 9mm pistol, dagdag na magazine, isang cellular phone, at isang motorsiklo.

Sa imbestigasyon, lumabas na mastermind ng gurpo si alyas Bo, na natuklasang una nang naaresto noong Disyembre 2022 ng Criminal Investigation and Detection Group ng SPD sa iba pang kasong criminal.

Reklamong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at frustrated murder ang ihahaing reklamo laban sa mga suspek sa Pa­rañaque Prosecutor’s Office.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with