Senior dedo, 11 pa sugatan
LOPEZ, QUEZON, Philippines —Patay ang isang 72-anyos na lola habang nasugatan ang labing-isang iba pa nang sumalpok sa isang puno ng mahogany ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep sa kurbadang kalye na sakop ng Barangay Bacungan sa bayang ito, kamakalawa.
Ayon sa report, patungong Buenavista, Quezon ang passenger jeep na minamaneho ni alyas “Pablo” nang maputol ang tie rod nito na naging dahilan upang mawalan ng kontrol at sumalpok sa puno.
Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Lola Aguila, residente ng Brgy. Poblacion, Buenavista, Quezon.
Isinugod naman sa Quezon Provincial Hospital Network-Magsaysay ang drayber at 10 pang pasahero.
- Latest























