^

Police Metro

3-anyos ni-rape slay ng 16-anyos kuya!

Joy Cantos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
3-anyos ni-rape slay ng 16-anyos kuya!
Sa ulat ng Jose Abad Santos Municipal Police, ang biktimang itinago sa pangalang “Ningning” ay natagpuang walang saplot at may mga sugat sa katawan kamakalawa ng hapon sa nasabing lugar.
Google Map

MANILA, Philippines —  Patay na nang matagpuan ng kanyang ina at kaanak ang isang 3-anyos na batang babae matapos na umano’y patayin at hinihinalang ginahasa pa ng sarili niyang kuya na 16-anyos malapit sa isang koprahan ng niyog sa Brgy. Nuing, Jose Abad Santos, Davao Occidental kamakalawa.

Sa ulat ng Jose Abad Santos Municipal Police, ang biktimang  itinago sa pangalang “Ningning” ay natagpuang walang saplot at may mga sugat sa katawan kamakalawa ng hapon sa nasabing lugar.

Arestado naman ng pulisya ang suspek na agad dinala sa Women and Children’s Protection Desk at nakatakdang ipasa sa kustodya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa pagi­ging menor-de-edad.

Isang 10-anyos na batang lalaki ang nagturo sa pinsan niyang 16-anyos na si alyas “Robert” na siya umanong humila sa batang kapatid sa may koprahan habang umiiyak.

Ang suspect ay nasa impluwensiya umano ng alak nang isagawa ang karumal-dumal na krimen sa kaniyang nakababatang kapatid.

Ayon sa pulisya, ang insidente na naganap may 40 metro ang layo mula sa tahanan ng pamilya ng biktima.

Isinalaysay ng batang saksi na narinig niya ang palahaw ng paslit na pinsan at dahil sa takot ay nagtatakbo rin siya at isinumbong ang insidente sa kaniyang mga magulang.

Nang tunguhin ang lugar, nakita nila ang batang babae na duguan na kung kaya agad humingi ng tulong ang ina nito sa mga kapitbahay at barangay tanod. Gayunman, bago pa madala sa pagamutan ang bata ay nalagutan na ng hininga sa daan.

DAVAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with