LTO paiigtingin ang anti-overloading operation
MANILA, Philippines — Lalo pa umanong paiigtingin ng Land Transportation Office LTO) ang implementasyon ng anti-overloading operation sa buong bansa.
Ito ay makaraang personal na mag-inspeksyon si LTO chief Vigor Mendoza sa Quezon City sa 45 na sasakyan na hinarang mga tauhan ng LTO at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Tandang Sora Avenue at C5.
Sa naturang bilang, 13 na sasakyan ang overloaded at nabigyan ng ticket.
Una nang inutos ni Mendoza sa mga tauhan ng LTO na palakasin pa ang inspeksyon sa mga sasakyan.
Bukod sa mga truck hihigpitan na rin ng LTO ang operasyon sa mga public utility vehicles (PUVs) hindi lamang sa Metro Manila kundi sa iba pang lugar.
Pinagsusumite rin ni Mendoza ang lahat ng Regional Directors ng kanilang regular reports hinggil sa kanilang operasyon.
- Latest