^

Punto Mo

EDITORYAL - Patuloy, pagdami ng illegal POGOs

Pang-masa
EDITORYAL - Patuloy, pagdami ng illegal POGOs

MAYROONG 300 illegal Philippine offshore gaming operators (POGOs) sa bansa, ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC). Nakakalat umano ang illegal POGOs sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ayon pa sa PAOCC, 49 na POGOs lamang ang naka-rehistro sa Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Ibig sabihin, may mas malalaki pa kaysa sa mga sinalakay na POGOs sa Bamban, Tarlac at sa Porac, Pampanga. Kung nakakalat sa bansa ang 300 illegal POGOs dapat maging alerto ang mga mayor at baka hindi nila nalalaman, nasa bisinidad pala nila ang POGO hubs.

Ang Bamban ang unang bayan na naging kontro­bersiya dahil sa POGOs. Nasa compound na ari umano ni suspended Bamban mayor Alice Guo ang 36 na illegal POGOs. Itinanggi ng suspendidong mayor ang akusasyon na may kinalaman siya sa POGO.

Mas malaki namang di hamak ang Lucky South 99 sa Porac na binubuo ng 46 na gusali at nakatirik sa 10 ektaryang lupain. Dalawang beses sinalakay ang POGOs sa Porac at sabi ng PAOCC spokesperson Winston Casio magugulat at mabibigla raw ang publiko kung sino ang may-ari ng Lucky South 99. Hanggang kahapon, hindi pa inihahayag ng PAOCC kung sino ang may-ari ng POGO hubs.

Sabi pa ng  PAOCC, ang Lucky South 99 ay konektado umano sa POGOs na sinalakay sa Bamban, Tarlac noong Marso kung saan mahigit 800 dayuhan na kinabibilangan ng mga Chinese, Vietnamese, Thais at mga Pilipino ang na-rescue.

Sinalakay ng PAOCC ang POGOs sa Porac dahil sa natanggap na sumbong na maraming tino-torture na empleyado sa mga gusali ng POGO. Isang Chinese na maraming sugat sa katawan ang nakatakas at na-rescue ng PAOCC. May mga iba pang lahi na pinipigil umano sa mga gusali ng POGO.

Nang pasukin ang mga gusali, nakita ang mga computers at iba pang gadgets subalit walang nakitang mga empleyado. Hinala ng PAOCC, may nag-tip na sa mga nag-ooperate ng POGO na may isasagawang pagsalakay.

Maaring totoo ang sinabi ng PAOCC na ang POGO hub sa Porac ang pinakamalaki at pinaka-sophisti­cated. Ang tanong kung mas malawak ang POGO hub sa Porac, dapat imbestigahan din ang mga namumuno sa bayang ito. Nararapat pagpaliwanagin ang mayor kung bakit sa kabila na 46 na gusali ang ginagamit para sa POGOs, bakit ngayon lang ito nabulgar. Wala rin kayang nalalaman ang Porac mayor at wala ring maalala tulad ni Guo?

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with