^

Metro

Miyembro ng ‘Luffy’ arestado sa BI

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Miyembro ng �Luffy� arestado sa BI
Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na ina­resto ng grupo ng mga ahente mula sa fugitive search unit (FSU) ng BI si Natsuki Kimura, 33, sa kahabaan ng Ayala Avenue sa Makati City.
Bureau of Immigration, Republic of the Philippines/Facebook page

MANILA, Philippines — Inaresto nitong Biyernes ng mga ope­ratiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng Japanese na pinaghihinalaang miyem­bro ng kilalang “Luffy” gang na iniugnay sa maraming kaso ng pagnanakaw at pandaraya sa kanyang bansa.

Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na ina­resto ng grupo ng mga ahente mula sa fugitive search unit (FSU) ng BI si Natsuki Kimura, 33, sa kahabaan ng Ayala Avenue sa Makati City.

Ayon kay Viado, si Kimura ay nahuli sa bisaya ng isang warrant na inisyu ng board of commissioners ng bureau noong Marso 2023 na nag-utos sa kanyang deportasyon sa Japan dahil sa pagiging isang hindi kanais-nais na dayuhan.

Si Kimura ay isa sa pinaghihinalaang mi­yembro ng Luffy gang na inaresto ng BI mula nang ang kanilang presensya dito ay iniulat ng gobyerno ng Japan sa bureau.

“Tulad ng kanyang mga kasabwat sa sindikato, siya rin ay ide-deport, i-blacklist at ipagbabawal na pumasok muli sa Pilipinas,” sabi ni Viado, at idinagdag na ang babae ay ilipad pabalik sa Japan sa sandaling makuha ang mga kinakailangang clearance at tiket sa eroplano para sa kanyang pag-alis.

Siya at ang kanyang kasabwat ay inakusahan ng pagnanakaw ng mga ATM card sa pamamagitan ng maling pagpapanggap bilang mga pulis upang linlangin ang kanilang mga biktima na isuko ang kanilang mga card at iba pang personal na impormasyon.

Nagtrabaho umano siya bilang telephone operator para sa Luffy syndicate para sa international scamming operations nito.

Si Kimura ay nakakulong sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang deportasyon.

BUREAU OF IMMIGRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with