House prosecutors: May ‘pasabog’ next week

MANILA, Philippines — Nagpahiwatig ang House impeachment prosecutors na mayroon silang malakas na ebidensyang ipiprisenta sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa threat o pagbabanta nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Tumanggi naman si House prosecution legal spokesperson Atty. Benjamin Tolosa na idetalye ang sinasabing pasabog dahil na rin sa patakaran na nagbabawal sa pagtalakay sa mga usaping hindi pa naihaharap sa Senate impeachment court.
“Because of the sub judice rule, we cannot talk about matters which were not yet discussed in the impeachment proceedings,” ayon kay Tolosa.
Maaari lang aniya itong talakayin kapag naiharap na ng kanilang mga testigo sa korte.
“Kapag nilatag na ng aming mga witness ang mga ebidensya saka na natin ito maaaring pag-usapan,” giit pa ng abogado.
Nang tanungin tungkol sa posibleng mga bagong pangyayari sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI), sinabi ni Tolosa na hintayin na lamang ang testimonya nina NBI director Melvin Matibag at isa pang regional director ng NBI.
Samantala, sinabi naman ni San Juan Rep. Ysabel Maria Zamora, na nasa unang yugto pa lamang ang presentasyon ng prosekusyong tungkol sa Article IV o ang grave threats article.
“In the coming weeks, meron pa po tayong ibang witnesses, ang susunod naman po ay na-announce na at ‘yun din po ay isa pang NBI official, ‘yun po si Attorney Lotoc, which we will present on Monday,” ayon pa kay Zamora.
- Latest




















