Palasyo: Walang term extension kay Marantan

MANILA, Philippines — Hindi na pinalawig pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang serbisyo ni PNP Region 4 Director Police Brigadier General Hansel Marantan. Ito ay sa kabila ng kahilingan ni Interior Secretary Jonvic Remulla sa National Police Commission (NAPOLCOM) na palawigin pa ng isang taon sa serbisyo si Marantan.
Sinabi ni Palace Press officer Atty. Claire Castro, na maaari namang magbigay ng serbisyo o tulong si Marantan sa ibang paraan.
“Wala pong extension para po kay General Marantan. At maaari po siyang makatulong sa ibang paraan pang pamamaraan,” sabi ni Castro.
Sa liham ni Remulla sa NAPOLCOM, sinabi nito na ang kanyang kahilingan para palawigin ang serbisyo ni Marantan ay para maipagpatuloy ang critical at ongoing high impact operations na ginagawa nito.
Si Marantan ay nakatakdang magretiro ngayong Hulyo 10, dahil sa mandatory age retirement age na 56.
- Latest




















