^

Probinsiya

Grade 6 na-bully, kaklase sinaksak ng balisong!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —Isang Grade 6 pupil ang nanaksak ng kaklase matapos umanong mapikon sa pambu-bully ng huli sa loob ng kanilang paaralan sa Macabalan Elementary School sa Brgy. Puntod, Cagayan de Oro City nitong Biyernes, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Caga­yan de Oro City Police, umabot na umano sa sukdulan ang pagtitimpi ng biktima kaya inaba­ngan at sinaksak ang kaklase na nambu-bully rito.

Ang insidente, naglalakad ang biktima papasok sa kanilang klasrum sa ikatlong palapag ng gusali ng eskuwelahan nang bigla na lamang saksakin ng nasabing estudyante gamit ang isang balisong.

Nabatid na ang suspect ay anak ng security guard na nagbabantay mismo sa nasabing eskuwelahan.

Ang biktima ay isinugod sa Northern Min­danao Medical Center para malapatan ng pangu­nahing lunas.

Nabatid pa na ang suspect ay nagsumbong pa sa ama nito noong mga nakalipas na gabi sa umano’y pambu-bully ng biktima na tinatawag siyang bahaw o tirang kanin pero hindi ito pinansin ng nasabing sekyu.

Dinala na ang suspect sa Police Station 5 ng Cagayan de Oro City Police para isailalim sa masusing imbestigasyon at nakatakdang iturnover sa kustodya ng City Social Welfare and Development para sa sa counseling.

BULLY

SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with