^

Metro

Holdaper nagpanggap na pasahero, tiklo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Holdaper nagpanggap na pasahero, tiklo
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Humantong sa kalaboso ang isang 25-anyos na lalaki na nagpanggap na pasahero makaraang ireklamo ng panghoholdap sa isang taxi driver sa Cubao, Quezon City kamakalawa ng mada­ling araw.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/B Gen. Christopher Olazo ang nasakoteng suspect na si alyas “Etot,” 25, at nani­nirahan sa Brgy. Botocan, Quezon City.

Sa imbestigasyon, pinara ng suspect ang 44-anyos na taxi driver malapit sa bahagi ng Philcoa at nagpahatid sa Cubao; pawang sa Quezon City.

Pagsapit sa Illinois St., Brgy. Silangan, Cubao, bandang alas-3:45 ng madaling-araw, bumaba ang suspect sa taxi at sinabing sandali lamang umano at may hinihintay siyang tao. 

Sinundan ito ng driver upang singilin sa pamasahe, pero sa halip na magbayad ay biglang naglabas ng kutsilyo ang suspect sabay deklara ng holdap matapos namang tutukan ng patalim sa leeg ang biktima.

Tinangay ng holdaper ang P1,300 cash na kita ng taxi driver at mabilis tumakas.

Nagkataon naka-duty ang operatiba ng Tactical Motorcycle ­Ri­ding Unit ng Police Station 8 na nakita ang komosyon bunsod upang habulin at nasakote ang suspek.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with