‘Di lang kasama sa clearing ops Gabriel Go, hindi suspindido - MMDA
MANILA, Philippines — Nilinaw nitong Huwebes ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi suspendido sa serbisyo si Special Operations Group - Task Force for Road Clearing head Gabriel Go at sa halip ay hindi muna ito isasama sa clearing operation ng ahensiya.
Sinabi ni MMDA Chairman Romando “Don” Artes na hindi pinasasama si Go sa clearing operations habang iniimbestigahan pa ang kinasasangkutang isyu. Inisyuhan naman si Go ng show-cause order (SCO) para magbigay ng paliwanag sa nangyari.
Inihayag pa ni Artes na ang pagpo-post sa social media ng mga operasyon ay upang malaman ng publiko na inaaksyunan nila ang mga natatanggap na reklamo mula sa hotline 8888.
Kinukuwestion ang umano’y pagko-content ni Go ng kanyang pagsita sa isang guro na walang helmet habang nagmo-motorsiklo.
Giit ni Artes na ang privacy ng mga tao sa pampublikong lugar ay hindi naman kailangang may consent pa. Gayunman, isasangguni pa rin niya sa National Privacy Commission.
- Latest





















