^

Metro

Lalaki kinatay ng kainuman

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Lalaki kinatay ng kainuman
Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktima na si alyas “Mitra”, 49, at residente ng Navy road Brgy. Holy Spirit Quezon City habang nakatakas naman ang suspek na nakilalang si alyas “Silla”, 39, kaibigan ng biktima at residente rin ng nabanggit na  barangay.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinagsasaksak at pinagpapalo ng bote ang isang 49-anyos na lalaki ng kanyang kainuman sa Quezon City, nitong Martes ng madaling araw.

Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktima na si alyas “Mitra”, 49, at residente ng Navy road Brgy. Holy Spirit Quezon City habang nakatakas naman ang suspek na nakilalang si alyas “Silla”, 39, kaibigan ng biktima at residente rin ng nabanggit na  barangay.

Sa report ng Que­zon City Police District-Holy Spirit Police Station (PS-14), alas-12:30 ng madaling araw nitong Martes nang mangyari ang krimen sa kanto ng AFP Road at Guerilla road, Brgy. Holy Spirit Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg Martin Helario Jr., sinabi ng saksi na si alyas “Domingo”, may-ari ng isang sari-sari store, nag-iinuman ang biktima at suspek nang magkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa magsuntukan.

Matapos ay hinampas ng suspek si Mitra ng bote ng beer, bumunot ng patalim, at paulit-ulit na sinaksak na ang biktima saka tumakas dala ang patalim na ginamit sa krimen.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with