^

Metro

‘Karnaper’ timbog sa entrapment operation

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
‘Karnaper’ timbog sa entrapment operation
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 30-anyos na lalaki na hinihinalang sangkot sa carnapping matapos itong maaresto sa isinagawang entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District (QCPD) District Anti-Carnapping Unit (DACU) at Batasan Police Station (PS 6) sa Brgy. West Triangle, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni Quezon City Police District – District Anti-Carnapping Unit (QCPD-DACU) chief PLtCol Hector O­rtencio kay PBGen. Randy Glenn Silvio, nagpanggap na buyer ang isang pulis at nagkasundo na makipagkita sa suspek na si alyas “Jasper”, sa Times St. at Examiner St. sa Brgy. West ­Triangle na nagresulta sa pagkakabawi ng silver Ford Fiesta sedan ng biktima.

Bago ito, lumilitaw na magkakilala at “tropa” ang biktima at suspek at nagpalipas pa ng gabi ang huli sa condominium ng una sa Brgy. Old Balara. Bandang alas-3 ng hapon ng Hulyo 6, inihatid pa ng biktima ang suspek sa isang public transportation  terminal.

Pagsapit ng alas-9:15 ng gabi, napansin ng biktima na nawawala ang ekstrang susi ng kanyang Ford Fiesta at Hyundai Kona. Nang suriin ang basement parking ng condominium, natuklasan niyang nawawala na rin ang kanyang Ford Fiesta.

Makalipas ang ilang sandali, nakatanggap ang biktima ng mga text message mula sa suspek na umaaming siya ang kumuha ng sasakyan at humihingi ng P30,000 kapalit ng pagbabalik nito. Sinubukan umano ng suspek na ibenta ang sasakyan sa pamamagitan ng isang kakilala.

Agad namang nagsagawa ng entrapment operation ang mga operatiba matapos matanggap ang reklamo at pagdating ng suspek habang minamaneho ang kinarnap na sasakyan, hi­ningan siya ng mga pulis ng dokumento na bigo nitong maiprisinta.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act No. 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016 laban sa suspek sa Quezon City Prosecutor’s Office.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with