MRT-3, dumanas ng signalling issue

MANILA, Philippines — Dumanas ng signalling issue ang linya ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa southbound, pagitan ng Santolan at Ortigas stations kahapon ng umaga, sanhi upang magkaroon ng mahabang pila ng mga pasahero sa mga istasyon ng tren.
Sa abiso ng MRT-3, nabatid na nagkaroon ng Automatic Train Protection (ATP) dakong alas-6:08 ng umaga ang linya.
Dahil dito, napilitan silang magpatupad ng temporary 40 kilometer per hour (kph) na restriksiyon para sa safety driving sa southbound ng Santolan Station hanggang Ortigas Station.
“We are currently experiencing heavy volume of passengers in our stations due to signalling issue between Southbound (SB) of Santolan and Ortigas Stations,” abiso ng MRT-3.
Kaagad namang humingi ng paumanhin ang MRT-3 dahil sa naturang insidente.
“We apologize for any inconvenience this may have caused and thank you for your understanding... Rest assured that management measures are being actively implemented to ensure passenger safety,” abiso pa nito.
- Latest



















