Himala: kapatid gumaling sa sakit! (Part 8)
Makalipas ang tatlong araw, kinuha ko ang resulta ng 2D Echo Test ni Victor. Habang patungo ako sa clinic ay nagdarasal ako na sana ay walang malubhang sakit si Victor. Hiniling ko sa Diyos na huwag kaming magkaroon ng problema dahil wala kaming perang gagastusin. Hindi ko alam kung saan ako hahagilap ng pera sakali’t may malubhang sakit si Victor.
Nang dumating ako sa clinic, agad kong kinuha ang resulta ng 2D Echo Test para ipabasa naman sa doktor na tumingin kay Victor.
Habang binabasa ng doktor ang resulta ay patuloy ako sa pagdarasal. Hiniling ko sa Diyos na walang malubhang sakit si Victor.
Tumingin sa akin ang doktor ng ilang beses bago nagsalita.
“Lumalaki ang puso ng kapatid mo,’’ sabi ng doktor habang hawak ang resulta.
“Ano po ang nararapat sa kanya, Doktor?”
Binasa muli ng doktor ang resulta.
Pagkatapos ay tumingin muli sa akin.
“Marami siyang iinuming gamot. Kapag hindi nakuha sa medication, saka isasagawa ang sunod na hakbang.”
“Magkano po ang mga gamot na iinumin, Dok?”
“May kamahalan.”
Napatungo ako. Saan kami kukuha ng pambili?
(Itutuloy)
- Latest



















