^

Punto Mo

Imago (35)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Narating ni Maya ang tuktok ng matatarik na hagdang bato matapos ang mahabang pag-akyat sa dalisdis ng bundok. Huminto siya sa mismong bungad ng dambana sa tapat ng isang naglalakihang gate na gawa sa maitim at luma nang kahoy.

Alas-dose na ng tanghali. Sobrang taas na ng sikat ng araw, dahilan upang mawala ang mga anino sa kaniyang paligid. Ang bawat sulok ng templo ay nababalutan ng isang matalas at nakasisilaw na liwanag na tila nagpapabura sa mga kulay ng paligid. Walang anino kung saan puwedeng magtago; ang lahat ay nakalantad, patag, at may kakaibang pakiramdam ng kawalan ng buhay.

Sa gitna ng malawak na patyo ng templo, na kabitin ang isang dambuhalang kampanang tanso. Kasabay nito, mula sa gilid ng bangin sa likod ng dambana, umaalingawngaw ang marahas at malakas na agos ng isang ilog sa ibaba. Ang acoustics ay perpekto. Ito ang lugar na nasa audio file ni Nelson.

Walang mga monghe, kaunti ang mga turista. Ang katahimikan ng tanghali ay mas nakatatakot kaysa sa dilim ng gabi.

Dahan-dahang naglakad si Maya patungo sa gitna ng patio. Sa tabi nang malaking kampana, may isang lumang kahoy na kahon para sa mga donasyon. Sa ibabaw niyon, direktang nasisikatan ng araw, may isang pamilyar na bagay na nakapatong.

Iyon ang kupas na leather wallet ni Nelson.

Lumapit si Maya at nanginginig na titingnan ito. Bahagyang nakabukas ang pitaka, sapat upang makita ang driver’s license at isang lumang litrato. Walang tao sa paligid, ngunit alam ni Maya, sa ilalim ng nakatutunaw na sikat ng araw, hinihintay na nila ang kanyang susunod na hakbang.

(Itutuloy)

IMAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with