^

Metro

Kagawad, tiklo sa shabu

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Kagawad, tiklo sa shabu
Batay sa ulat ng Northern Police District (NPD), naaresto si alyas “Ver”, kagawad ng Brgy. 11 at residente ng Lakas ng Mahirap St. ay nadakip bandang alas-4:40 ng hapon ng mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station sa North Diversion Road sa Brgy. 155.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Timbog ang isang barangay kagawad nang makuhanan ng hinihinalang shabu sa isang checkpoint noong Biyernes ng hapon sa Caloocan City.

Batay sa ulat ng Northern Police District (NPD), naaresto si alyas “Ver”, kagawad ng Brgy. 11 at residente ng Lakas ng Mahirap St. ay nadakip bandang alas-4:40 ng hapon ng mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station sa North Diversion Road sa Brgy. 155.

Sa report na tinanggap ni NPD Director PBGen. Christopher dela Cruz, pinara ng mga pulis ang suspek sa checkpoint para sa beripikasyon ng rehistro ng motorsiklo at lisensya sa pagmamaneho.

Bumulaga sa isinagawang frisk, nadiskubre ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nakalagay sa kanyang wallet.

Tinatayang may bigat na 0.6 gramo ang nasamsam na ilegal na droga, na may halagang nasa P4,080.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 9165.

TIKLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with