Bagong MPD chief suportado ni Isko
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Manila Mayor Franciaco “Isko Moreno” Domagoso na suportado niya ang pagkakatalaga kay PBGen. Arnold Casingal Santiago bilang bagong Acting District Director ng Manila Police District (MPD).
Pinalitan ni Santiago si PBGen. Arnold Abad na itinalaga naman bilang Director ng Police Regional Office 7 epektibo noong Abril 15.
Ayon kay Domagoso, tulad ng kanyang habilin at kautusan, nais lamang niyang magkaroon ng kapanatagan hindi lamang ang mga Manilenyo kundi maging ang mga bumibisita sa lungsod.
Umaasa rin si Domagoso na pananatilihin ni Santiago ang kaayusan sa Maynila at tamang pagseserbisyo ng kanyang mga pulis.
Si Santiago ay isang abogado at miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class of 1997.
- Latest

















