Illegal recruiter tiklo sa Maynila

MANILA, Philippines — Arestado ang isang babaeng illegal recruiter sa isang entrapment operation ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) sa isang klinika na nagsisilbing tanggapan, sa Maynila.
Sa ulat kay NBI Director Melvin Matibag, Hulyo 14, 2026 nang isang babaeng undercover agent ang kasamang nag-aplay ng nagpanggap na aplikante ang nagtungo sa klinika para sa hinihinging medical examination na requirement sa pagtungo sa South Korea bilang overseas Filipino worker.
Nang nasa klinika, humingi ang suspek ng kabayarang P12,000.00 kaya nagtanong ang aplikante kung sila ay awtorisado na mag-recruit at kung may lisensya.
Dahil sa tinuran na paliwanag ng suspek na wala siyang koneksyon sa alinmang lisensyadong recruitment agency at ang pagpapadala ay ipoproseso na lamang sa pamamagitan ng LGU-to-LGU (local government unit) na kasunduan.
Nang iabot na ang marked-money, agad nang lumapit ang iba pang NBI agents para arestuhin ang suspek sa paglabag sa Republic Act No. 8042 (Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995) at Estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code.
Nabatid sa ulat na marami ang naghain ng reklamo laban sa suspek dahil sa akusasyong iligal ang pagre-recruit ng mga manggagawa.
- Latest


















